Walang Kabuluhan
- Get link
- X
- Other Apps
“Walang kabuluhan ng walang kabuluhan sabi ng mangangaral, lahat ay walang kabuluhan”
Meaning please????
Pagtatanungin mo ang tatay ko kung ano ang paborito niyang talata sa bibliya, sigurado ako at wala pang isang Segundo, ito ang isasagot niya. At bilang bata, isa lang ang reaksyon naming lahat sa tuwing sasabihin nya yan., ang tumawa ng tumawa…sa kakaisip na baka siya ay nagpapatawa lang.
Sino ba naman ang seryosong tao ang magsasabi ng isang pangungusap na puro “walang kabuluhan” ang laman. Ang dami namang ibang laman ang bibliya, mga sikat pa! madalas mo pang makita sa kahit na saan. Sa libro, sa simula ng artikulo, minsan pati sa mga key chain at mga establishimento..bakit iyon pa?
Pero teka, tanungin nga kita, ikaw ba sa tingin mo ay may kabuluhan ka sa mundong ito? Sa palagay ko naman ay meron. Wala namang ilalagay dito na walang silbi, palamunin, pabigat at walang kwenta. Lahat tayo may kanya kanyang dahilan at lahat tayo ay may gawain at misyon. Ung sa akin, hindi ko pa alam.
Nabuhay ako ng benteng taon sa mundong ito, sa totoo, malapit ng magbente uno, kung babalikan ko ang lahat ng ginawa ko, kung bibigyan ako ng pagkakataong silipin at limiin ang aking nakalipas, ano kaya ang makikita ko? Minsan natatakot ako, baka kasi sa huli malungkot lang ako at isiping sa loob ng dalawang dekada, walang nangyari. Walang buhay na nahawakan, walang pusong napasaya, at walang sariling kaunlaran.
Apat na taon ako ng natutunan ko ang isang bagay tungkol sa regalo. Bertdey ko, binigyan ako ng damit ng tito ko. Sa sobrang tuwa ko, isinuot ko agad at ipinagmamalaki sa lahat ng tao na bago ang suot ko. Lumipas ang isang buwan, kaarawan naman niya. Binigyan ko siya ng card. Syempre hindi galing sakin ang perang ipinambili non, pero alam kong bigay ko yon sa kanya. Ilang araw ang lumipas, kumakatok ako sa pinto niya. Pagbukas ay ito agad ang isinagot ko,
“amina ‘yung card mo, tapos na bertdey mo.”
Hindi siya nag atubili, kinuha ang card at binigay sa akin. Paglipas ng ilang linggo ay siya naman ang lumapit sakin,
“mae, kuhanin ko na yung damit mo, tapos na ang birthday mo e”
Tumakbo ako agad.pabalik sa lagayan ng libro kung san ko inipit ang card niya. Umiiyak ako at pahiyaw na inabot ito sa kanya..,
“sa’yo na yang card mo!”
Ano ang natutunan ko? May mga bagay sa mundo na mahirap o di naman kaya ay hindi na maaaring bawiin. Tulad ng batong itinapon sa dagat, salitang nabitawan, at maging ang ating nagawa pagkatapos makasakit. Kaya bago bitawan, bago ibagsak, bago pakawalan, isipin muna natin ng ilang ulit kung tama ba ito. Yan ang unang liksyon na natutunan ko sa kamusmusan.
Masasabi ko bang isa itong kabuluhan? Maaari bang ito ay isa sa kahulugang hinahanap ko? Teka parang may naalala pa ako. Ah, alam ko na…eto:
Pinilit kong maging isang mabuting kabataan noon, sa paaralan, sa simbahan at syempre sa tahanan. Pero hindi pala lahat ay kakayanin mong maabot. Isa isa lang..kanya kanyang panahon. Maaaring nagtagumpay ako sa dalawa sa nabanggit ko at alam kong darating din na mapapanagumpayan ko ang ikatlo.
Sinikap kong maging isang mabuting estudyante. Sa loob ng apat na taon sa mataas na paaralan, naranasan kong maging isang manunulat, maging pintor, maging lider at maging karangalang banggit. Lahat ng ito ay pinabayaan ng Maykapal na maranasan ko. Tatanungin niyo ko, alam ko, o pwede ding mahiya kayong itanong, alam ko na, itatanong niyo kung hindi ba lumaki ang ulo ko? Syempre oo! Sa lahat ng ito, sino bang hindi? Pwedeng tumanggi kayo, pero ako sasabihin ko ang totoo. Lumaki ang ulo ko at pumapalakpak ang tenga ko sa bawat tunog ng palakpak sa tuwing mananalo sa eleksyon, patimpalak at maging sa pagsabit ng karangalan.
Oo, lahat yan naransan ko. Pero bakit isang araw nakita ko ang sarili ko sa isang silid, tulala at mukang malalim ang iniisip. Isa lang naman ang tanong ko,
“bakit hindi ako masaya?”
Labing isang taon ang aking pinalipas bago naliwanagan. Sa katahimikan ng paligid, sa aking pag-iisa ay parang isang alingawngaw na dumating sa aking tainga ang paboritong talata ng tatay ko…
“walang kabuluhan ng walang kabuluhan sabi ng mangangaral lahat ay walang kabuluhan”
Napaluhod ako,….
Napaiyak…..
Ang dating pinagtatawanan ay may malalim palang kahulugan. Pakiramdam ko ay sinampal ako sa mukha.
Patuloy ang pagtangis,
Patuloy ang pag-agos ng luha, agos, agos,
Ngunit sa huli, bagamat lumuluha ay may ngiti sa puso, nagpapasalamat sa Maykapal sa liwanag na kanyang ibinigay.
This article was written by Johara Mae Garcia November 24, 2009 for the San Ildefonso SDA church newsletter November 4, 2009
Inspired by Eclessiates 1:1

Comments
Post a Comment