Posts

Showing posts from December, 2015

Walang Kabuluhan

“Walang kabuluhan ng walang kabuluhan sabi ng mangangaral, lahat ay walang kabuluhan” Meaning please???? Pagtatanungin mo ang tatay ko kung ano ang paborito niyang talata sa bibliya, sigurado ako at wala pang isang Segundo, ito ang isasagot niya. At bilang bata, isa lang ang reaksyon naming lahat sa tuwing sasabihin nya yan., ang tumawa ng tumawa…sa kakaisip na baka siya ay nagpapatawa lang. Sino ba naman ang seryosong tao ang magsasabi ng isang pangungusap na puro “walang kabuluhan” ang laman. Ang dami namang ibang laman ang bibliya, mga sikat pa! madalas mo pang makita sa kahit na saan. Sa libro, sa simula ng artikulo, minsan pati sa mga key chain at mga establishimento..bakit iyon pa?